Nakikiisa ang Mindanao State University-General Santos sa bawat pamilya, komunidad, at kasapi ng ating pamayanan na nasalanta ng lindol.
Matapos ang pagsusuri ng mga opisyal ng unibersidad, naitala na nakatamo ng malaking pinsala ang ating pamantasan. Sa kasalukuyan, mahigpit nating sinusunod ang mga post-earthquake protocol upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Kaisa kami sa pananalangin para sa mga kababayan nating nasawi sa lindol, sa mga pamilyang nakararanas ng takot sa gitna ng mga pagyanig, at sa bawat isang nagpapakita ng katatagan upang muling bumangon.























